KARAGDAGANG SOCIO-CIVIC FUND MULA SA PANGULO, NATANGGAP NG QMMC
K.A. EVANGELISTA
Marso 25, 2022
Ikinagagalak ng Pang-Alaalang Sentrong Medikal Quirino sa pagbisita at pamamahagi ni Senador Christopher Lawrence “KUYA BONG” Go ng 100-Milyong Pisong (P100,000,000.00) Socio-Civic Funds sa mga DOH Hospitals mula sa opisina ng ating Pangulong Rodrigo Roa Duterte nitong Marso 23, 2022. Kasama sa mga nabigyan ng nasabing pondo ay ang Jose R. Reyes Memorial Medical Center, Veterans Memorial Medical Center, Dr. Jose N. Rodriguez Memorial and Sanitarium, Philippine Heart Center, Philippine Children’s Medical Center, Amang Rodriguez Memorial Medical Center at Dr. Jose Fabella Memorial Hospital.
RABIES AWARENESS MONTH 2022
Activity: Mass Vaccination and Spay & Neuter of Pets
Date: March 16, 2022
Proyekto ng Department of Family & Community Medicine at Public Health Unit sa pakikipagtulungan ng Quezon City Veterinary Department at Barangay Escopa III
Ayon sa Executive Order No.84 series ng 1999, ang Rabies Awareness Month ay ipagdiriwang tuwing buwan ng Marso.
Ang adbokasiya ukol sa pagpapalawig ng kamalayan at kaalaman ukol sa rabies ay ginagawa buong taon. At ngayon, sa ikalawang taon ng adbokasiya ng QMMC – Department of Family & Community Medicine at Public Health Unit kasama ng Quezon City Veterinary Department ay muling nagsagawa ng pagbabakuna laban sa rabies at pagkakapon ng mga alagang hayop sa Barangay Escopa III nitong Miyerkules, 16 Marso 2022.
KARAGDAGANG PATIENT BREATHING CIRCUITS AT IBA PANG SUPPLY, NATANGGAP NG QMMC
-M. Villagomez
Ang Pang-Alaalang Sentrong Medikal Quirino (QMMC) ay mapalad na nakatanggap ng karagdagang mga Patient Breathing Circuits at iba pang supply, na makakatulong para sa mga pasyenteng hirap sa paghinga, donasyon mula sa USAID’s Meeting Targets and Maintaining Epidemic Control (EpiC) COVID-19 Response Project. Ang mga nasabing donasyon ay kaugnay pa rin sa mga nauna nang donasyong Mechanical Ventilators na mula rin sa nasabing donor.
Dumating sa QMMC ang mga nasabing donasyon noong ika-8 ng Marso 2022, at tinanggap ng pamunuan ng ospital sa pangunguna ng Puno ng Serbisyong Medikal, Dr. Lino Santiago S. Pabillo, bilang kinatawan ng Puno ng Sentrong Medikal, kasama ang ilang kawani mula sa Materials Management Section.
QMMC Nakiisa sa Ika-4 na National COVID-19 Vaccination Days
-R. Magday
Nagsagawa ng ika-4 na National COVID-19 Vaccination Activity ang Kagawaran ng Kalusugan noong Marso 10-12, 2022. Layunin ng programang ito na mapabilis ang paghahatid ng bakuna sa mamayang Pilipino laban sa COVID-19.
PAGSASAGAWA NG “FIRST QUARTER NATIONWIDE SIMULTANEOUS EARTHQUAKE DRILL” 2022
-KA. Evangelista
Matagumpay na naisagawa ng Pang-Alaalang Sentrong Medikal Quirino (QMMC) sa pakikipag-uganayan ng Yunit ng Pamamahala ng Kalusugang Pang-Emerhensiya (HEMB) ngayong araw ang “First Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill”. Lumahok at ginampanan ng bawat Qawani ang kanilang mga dapat gawin sa oras na magkaroon ng sakuna dulot ng lindol.