Ceremonial Ground Breaking ng bagong Multi-Purpose Building ng QMMC
19 Abril 2022
K.A. Evangelista
Pormal na ang pagsisimula ng konstruksyon ng Multi-Purpose Building ng Pang-Alaalang Sentrong Medikal Quirino matapos ang isinagawang Ceremonial Ground Breaking at Site Development nitong Martes, Marso 12 2022.
Sa pangunguna ng butihing Anak-Kalusugan Representative Michael Defensor kasama ang ilang miyembro ng DPWH at pamunuan ng Pang-Alaalang Sentrong Medikal Quirino na pinamumunuan ng Puno ng Sentrong Medikal Dr. Evelyn E. Reside, nilagdaan nila “Proposed Detailed Engineering” ng nasabing konstruksyon na siya namang inilagay at ginamit sa Time Capsule laying.
KARAGDAGANG SOCIO-CIVIC FUND MULA SA PANGULO, NATANGGAP NG QMMC
K.A. EVANGELISTA
Marso 25, 2022
Ikinagagalak ng Pang-Alaalang Sentrong Medikal Quirino sa pagbisita at pamamahagi ni Senador Christopher Lawrence “KUYA BONG” Go ng 100-Milyong Pisong (P100,000,000.00) Socio-Civic Funds sa mga DOH Hospitals mula sa opisina ng ating Pangulong Rodrigo Roa Duterte nitong Marso 23, 2022. Kasama sa mga nabigyan ng nasabing pondo ay ang Jose R. Reyes Memorial Medical Center, Veterans Memorial Medical Center, Dr. Jose N. Rodriguez Memorial and Sanitarium, Philippine Heart Center, Philippine Children’s Medical Center, Amang Rodriguez Memorial Medical Center at Dr. Jose Fabella Memorial Hospital.
LENTEN RECOLLECTION, IDINAOS PARA SA MGA QAWANING QMMC
M.Villagomez
29 Marso 2022
Ang Pang-Alaalang Sentrong Medikal Quirino (QMMC), sa pangunguna ng Tanggapan sa Edukasyong Propesyonal, Pagsasanay at Pananaliksik (PETRO), at ng Komite ng Bio-Ethics, ay nagsagawa ng kalahating araw na Recollection para sa mga kawani nito, bilang paghahanda sa nalalapit na mga Mahal na Araw. Ang nasabing Recollection ay ginanap nitong ika-29 ng Marso 2022 mula 9:00 hanggang 11:00 ng umaga via Zoom, na may temang: “REDISCOVERING OUR FAITH”.
RABIES AWARENESS MONTH 2022
Activity: Mass Vaccination and Spay & Neuter of Pets
Date: March 16, 2022
Proyekto ng Department of Family & Community Medicine at Public Health Unit sa pakikipagtulungan ng Quezon City Veterinary Department at Barangay Escopa III
Ayon sa Executive Order No.84 series ng 1999, ang Rabies Awareness Month ay ipagdiriwang tuwing buwan ng Marso.
Ang adbokasiya ukol sa pagpapalawig ng kamalayan at kaalaman ukol sa rabies ay ginagawa buong taon. At ngayon, sa ikalawang taon ng adbokasiya ng QMMC – Department of Family & Community Medicine at Public Health Unit kasama ng Quezon City Veterinary Department ay muling nagsagawa ng pagbabakuna laban sa rabies at pagkakapon ng mga alagang hayop sa Barangay Escopa III nitong Miyerkules, 16 Marso 2022.