MENU

ONLINE DIAGNOSTIC RESULT PROCEDURE

INTRANET

JOB VACANCIES

CITIZENS CHARTER

TRAINING AND RESEARCH

 

HEAL; HEAR & FEEL

ni: K. A. EVANGELISTA

Pormal na idinaos ngayong araw sa Pang-Alaalang Sentrong Medikal Quirino ang Groundbreaking and Turnover Ceremony ng Department of Psychiatry Ward and Mental Health Wellness Complex.

Sa pangunguna ng butihing Puno ng Sentrong Medikal Dr. Evelyn Victoria Reside kasama ang ibang ManCom, pinasinayanan ang pagbubukas ng bagong tahanan ng DPMH. Isa itong milestone achievement na matagal ng pinapangarap at inaasam subalit ngayo’y unti-unti na itong natatamasa.

Labis na naka-apekto ang pandemya sa lahat ng tao lalo na sa kanilang mental health kung kaya’t layunin ng DPMH na makapagbigay ng dekalidad at maasahang tulong medikal partikular sa usaping may kinalaman sa mental health hindi lamang sa pasyente, kundi para rin sa mga Qawani na nagnanais masolusyunan at matulungan ang kanilang pinagdaraanan sa kanilang mental health.

Lubos na nagpapasalamat ang outgoing chairperson na si Dr. Edgardo Juan Tolentino sa tagumpay na ito hindi lamang ng kanilang departamento kundi pati ng buong QMMC, at sa kanyang pag-alis ay isang  estratehikong plano upang maging magtagumpay ang mga adhikain ang kaniyang iniwan sa panibangong chairperson Dra. Evelyn Go at ilang mga Qawaning bumubuo ng DPMH.