Ni: Bb. Riza Magday, RN MAN
Ang mga Nars ng Pang-alalang Sentrong Medikal Quirino, Dibisyon ng Narsing, ay matagumpay na nagsagawa ng 2022 Annual Nursing Research Presentation sa pamumuno ni Ginoong Karlos Noel R. Aleta, MD, FPCS, FPATACSI, bilang Puno ng Hospital Research Committee at Bb. Isabelita Arao, RN, MAN, PhD, Opisyal na Namamahala sa Serbisyong Narsing, katuwang ang mga bumubuo ng Nursing Execom, sa pakikipag ugnayan sa Professional Education and Training and Research Office (PETRO) at pakikipagtulungan ni Evelyn Victoria E. Reside, MD, FPCP, FPCCP, MAS bilang Puno ng Sentrong Medikal. Ito ay ginanap noong ika-13 ng Disyembre, taong 2022 sa ganap ika -9 ng umaga, na dinaluhan ng mga panauhing Panelist na sina Shirley M. Espina, Phd, RN, CHA, Jimmy M. Bautista, MD, FPCP, FPSG, at Lorenza Serafica, RN, MAN, PhD na nagbigay ng kanilang galing sa aspeto ng pananaliksik at mabusising pagkritiko sa mga kalahok.
Ang mga sumusunod na pananaliksik ang nagwagi sa 2022 Annual Nursing Research Presentation:
MGA NAGWAGI |
PANGALAN |
TITULO NG PANANALIKSIK |
1ST |
Shalom Deo Ramos RN MAN |
“U turn “: The Transformation of Filipino Hospital Nurses Living with HIV |
2ND |
Dex Bryan De Leon RN MAN |
Patient Safety Culture at Quirino Memorial Medical Center: An Input to a Development Program) |
3RD |
Christine Grace Discipulo RN MAN |
Nurse’s Knowledge and Experiences in the Implementation of Quality Management System In An ISO-Certified Hospital |
4TH |
Mark Ray-An P. Mallari, RN, MAN |
Game theory As a Daily Living Interventional Activity of Psychiatric Client at a Selected Mental Health Facility in Quezon City |