MENU

ONLINE DIAGNOSTIC RESULT PROCEDURE

INTRANET

JOB VACANCIES

CITIZENS CHARTER

TRAINING AND RESEARCH

 

PhilHealth Z-Package for Premature and Small Newborns, Iginawad sa QMMC

ni K.A. Evangelista

Ipinagkaloob sa Pang-Alaalang Sentrong Medikal Quirino (QMMC) ngayong ika-4 ng Nobyembre taong 2022 ang “Contract for Healthcare services on specialized Patient Care” mula sa Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) na naglalaman ng kasunduan sa pagitan ng QMMC at PhilHealth kaugnay sa Z-Pachage Benefits na naglalayong makapagbigay-tulong pinansiyal mga pasyenteng nasa Neonatal ICU.

Sa isang maikling seremonya na ginanap sa Main Lobby, dinaluhan ng mga kinatawan mula sa Philhealth at QMMC ang pag-gawad sa ospital ng “Z-Package Benefit for Premature and Small Newborns”.

 

Ang nasabing paggagawad ay dinaluhan ng mga kinatawan ng PhilHealth NCR sa pangunguna ni Atty. Recto Panti, Branch Manager ng Philhealth-NCR Central. Mula naman sa QMMC, dumalo sa nasabing aktibidad ang Puno ng Sentrong Medikal, Dr Evelyn Victoria Reside, Bb. Cecilia Villamin, Dr. Ignacio V. Rivera ang Puno ng Departamento ng Pediatrika, Dr. Eunice Tagle, Dr. Carlina Suarez, Dr. John Laurence Mirador, Dr. Christine Damian Tumale, G.Richard Cortez at Bb. April Mendoza.

Layunin ng Z-Benefit package na makapagbigay ng karagdagang benepisyo bukod sa mga natataggap na rin mula sa Philhealth ng mga ina at kanilang sanggol tulad ng expanded normal spontaneous delivery package, maternity care package, social health insurance coverage at iba pang mga benepisyo para sa mga babaeng malapit nang manganak. Hangad rin nito na mapabuti ang kalidad ng kalusugan sa de-kalidad na pangangalaga.