MENU

ONLINE DIAGNOSTIC RESULT PROCEDURE

INTRANET

JOB VACANCIES

CITIZENS CHARTER

TRAINING AND RESEARCH

 

KLINIKA NG WCPU, PINASINAYAAN

ni: K.A. Evangelista

Pormal nang binuksan ang bagong klinika ng WCPU (Women and Children Protection Unit) ng Pang-Alaalang Sentrong Medikal Quirino ngayong ika-2 ng Nobyembre, 2022.

Sinimulan ang pormal na pagbubukas sa pamamagitan ng pagbabasbas ng nasabing klinika sa pangunguna ng hospital chaplain na si Fr. Abhilash Mathew. Ang maikling seremonya ay dinaluhan ng butihing Puno ng Sentrong Medikal, Dr. Evelyn Victoria E. Reside kasama ang iba pang kasapi ng pamunuan at empleyado ng QMMC.

Kaagapay ng mga kagamitang pang-suri, at mga eksperto na siyang makakapagbigay tulong medikal, layunin at hangarin ng nasabing yunit ang makapag-bigay proteksyon sa mga naaabuso at wastong tulong sa mga nangangailangan bunsod ng natamong pinsala mula sa karahasan.