MENU

ONLINE DIAGNOSTIC RESULT PROCEDURE

INTRANET

JOB VACANCIES

CITIZENS CHARTER

TRAINING AND RESEARCH

“ A Voice To Lead”

Ika-64 Taong Pagdiriwang ng Linggo ng mga Nars

Ni: Bb. Riza Magday, RN

Ang mga Nars ng Pang-alalang  Sentrong  Medikal  Quirino ay tinuturing  na mahalagang  Qawani na nagbibigay ng hindi matatawarang dedikasyon at serbisyo.

Bilang pagkilala sa kanilang hindi matatawarang pagbibigay serbisyo ay ipagdiriwang ang ika-64th Nurses Week na gaganapin  sa  Oktubre 25-27, 2022 sa Bulwagang QMMC, na may temang  “Talino, Puso, Galing, Serbisyong Narsing" na pangungunahan ni Bb. Visitacion G. Adan ,Rn MMHA (Opisyal na Namamahala sa Nursing Service), Isabelita T. Arao RN, Phd Nurse VI – Pinuno ng Pagsasanay , Narilla B. Cervales RN,MAN Nurse VI at ang buong Nursing Execom kasama rin ang pamunuan ng ospital.

Magkakaroon ng serye ng mga aktibidad katulad ng mga Seminar, Acquaintance Party at mga pagpupugay upang bigyang pasasalamat ang mga Qawaning nars.  Sa unang araw, Oktubre 25,2022 ay magkakaroon ng seminar na may tema na "Nursing Leadership and Manaagement Seminar” sa panguguna ni Bobbie John Roca, RN, pangulo ng National League of Philippine Government Nurses(NLGN).  Sa Oktubre 26,2022, ikalawang araw, ay magkakaroon din ng mga serye ng seminar:   "Prevention of Fall" sa pangunguna  ni Ma. Teresa Tricia G. Bautista MD, FPAFP,FPCGM,MHA, Institutional Conference  "Holistic Approach in the Care of  Elderly" sa panguguna ni Mitzi Rose Victorino RN (DOH Clinical Preceptor Geriatric). Sa nasabing araw din ay may espesyal na pagpupugay sa ating dating Chief Nurse na may temang "A Day with Our Mentors".

Gaganapin din ang Acquaintance Party sa unang araw para sa mga bagong kawaning nars. Ito ay isasagawa upang ipakita na malugod silang tinatatanggap sa ating institusyon. Kaugnayan dito ay magbibigay pasasalamat nadin sa mga kawaning nars sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng body massage at ventossa.

Ang mga aktibidad na ito ay may layunin na mapalawak pa ang kaalaman ng ating mga nars at maipakita ang pasasalamat sa kanilang di matatawaran na serbisyo.

Mabuhay ang Qawaning Nars! Maraming Salamat sa inyong serbisyo!