MENU

ONLINE DIAGNOSTIC RESULT PROCEDURE

INTRANET

JOB VACANCIES

CITIZENS CHARTER

TRAINING AND RESEARCH

 

Pagdaraos ng ika 48TH Buwan ng Nutrisyon ng QMMC

K.A. EVANGELISTA
Hulyo 18 2022

Idinaos ng Pang Ala-Alang Sentrong Medikal Quirino ngayong ika-18 ng Hulyo taong kasalukuyan sa pangunguna ng Seksiyon sa Nutrisyon at Diyetetika sa pamunuan ng Serbisyo sa Operasyong Pang Ospital at Pampasyenteng Suporta ang kanilang Buwan ng Nutrisyon na may temang: NEW NORMAL NA NUTRISYON; SAMA SAMANG GAWAN NG SOLUSYON.

Nagkaroon ng ribbon-cutting sa pangunguna ng Puno ng Sentrong Medikal Dr. Evelyn Victoria E. Reside kasama ng Puno sa Serbisyo sa Operasyong Pang Ospital at Pampasyenteng Suporta Bb. Cecilia M. Villamin at ilan sa mga empleyado ng Nutrisyon at Diyetetika na pinamumunuan ni Gng. Priscilla Mariñas.

Ginanap ang nasabing programa sa Main Lobby ng Ospital na may iba’t-iba pang mga programang nakahanda na tinatayang magtatagal ng isang buong buwan. Ang kanilang programa para sa araw na ito ay “Community Pantry na kung saan samu’t-saring prutas at masusustansyang pagkain ang kanilang inihanda para sa bawat Qawani. Kahit dinagsa ang kanilang Community Pantry ay natiyak naman nila ang mga safety protocols ng Ospital ay nasunod at natapos ang kanilang program ng matiwasay at nakabusog sa bawat Qawani.