MENU

ONLINE DIAGNOSTIC RESULT PROCEDURE

INTRANET

JOB VACANCIES

CITIZENS CHARTER

TRAINING AND RESEARCH

 

Bakunahan para sa Immunocompromised Pediatrics – inilunsad na!
K.A. Evangelista

Pinangasinawaan ng Pang Ala-alang Sentrong Medikal Quirino ngayong ika 22 ng Hunyo ang pagbabakuna ng karagdagang dosis ng Pfizer para sa mga “Immunocompromised Pediatrics” na may edad 12-17 taong gulang.

Ilang mga opisyales ang dumalo sa nasabing “roll-out” tulad nina DOH-NCR Coordinator Dr. Amy Medina. Opisyal na tagapagsalita naman mula sa ating butihing Ospital ang Puno ng Departamento ng Pediatrics na si Dr. Ignacio Rivera kasama rin ang butihing Puno ng Sentrong Meddikal, Dr. Evelyn Victoria E. Reside. Kasama rin sa naturang bakunahan ang Nursing Division na pinangunahan ng kanilang OIC na si Bb. Narilla Cervales at si Bb. Visitacion Adan.

Isa sa nabakunahan ngayong araw ay anak ng isa nating Qawani na si Bb. Riza Magday. Ayon sa kanya maganda ang dulot nitong ginanap na vaccination drive para sa mga Immunocompromised Pediatrics. Ito ay bilang proteksyon sa kanila dahil aminado siya na bilang isang Healthcare Worker ay may posibilidad na maiuwi niya ang virus sa kanilang tahanan.

Hindi maikakaila na nandoon parin ang takot at pangamba ng ilang magulang sa magiging reaksyon ng bakuna sa kanilang mga anak lalo na’t ito ay ibabakuna sa may mga “Immunocompromised” na individual. Kung kaya’t nagpahayag ang butihing Dr. Ignacio Rivera na hindi talaga maiaalis ang kaba bagkus responsibilidad ng bawat doktor na maipaliwanag ng buo at magbigay ng tamang impormasyon upang masiguro na ligtas at magiging protektado ang bawat mababakunahan.

Ayon kay Bb. Magday taos-puso siyang nagpapasalamat sa DOH at QMMC na nabigyan ng pagkakataon na mabakanuhan laban sa Covid-19 ang kanyang anak na isang immunocompromised.  Naging panatag na ang kanyang kalooban dahil alam niya na kanyang anak ay may karagdagan ng proteksyon laban sa pandemya.

Hinihikayat rin ang lahat ng “Immunocompromised Pediatrics” edad 12-17 na magpabakuna bilang proteksyon na rin dahil tayo ay nasa pandemya pa rin. Tiniyak naman ng Kagawaran ng Kalusugan na sapat ang bakuna na ibibigay sa bawat DOH Hospitals. Ang kinakailangan lamang ng magpapabakuna ay Government ID at vaccination card. Kinakailangan rin na magpakita ng Medical Certificate bilang requirement sa booster shot ng mga Immunocompromised na bata.