MENU

ONLINE DIAGNOSTIC RESULT PROCEDURE

INTRANET

JOB VACANCIES

CITIZENS CHARTER

TRAINING AND RESEARCH

 

SELEBRASYON NG WORLD FAMILY DOCTORS’ DAY, TAGUMPAY!

K.A. EVANGELISTA

Tagumpay ang pagdiriwang ng World Family Doctors’ Day sa Pang-Alaalang Sentrong Medikal Quirino, sa pangunguna ng Departament of Family and Community Medicine (DFCM).  Nagdaos ng isang simpleng programa and DFCM bilang pagsisimula ng pagdiriwang ngayong araw, Marso 19, 2022. Ang tema ng pagdiriwang sa taong ito ay: “INTEGRATIVE MEDICINE CLINIC Experience Health and Wellness”.

Tampok sa programa ng DFCM ang ilang mga serbisyo sa ilalim ng “Traditional Complementary and Integrative Medicine” tulad ng ventosa, acupuncture at acupressure.

Bilang pagsisimula ng selebrasyon, nagbigay ng pambungad na pagbati si Dr. Nardito Galero, ang Training Officer ng DFCM, na sinundan ng maikling pagpapakilala ukol sa “Integrative Medicine” ni Dr. Alfonso Lagaya. Nagpahayag rin ng kanyang kagalakan dahil sa matagumpay na selebrasyon ang butihing Puno ng Sentrong Medikal Dr. Evelyn Victoria E. Reside. Matapos makapagbigay ng kanilang mga mensahe ay sinimulan na ang mga aktibidad tulad ng ventosa, acupuncture at acupressure para sa mga Qawani na ginanap sa Silid Pulungan ng Ospital. Nagkaroon rin ng “yoga” na pinamumunuan ng isang yoga instructor mula sa bansang India.