MENU

ONLINE DIAGNOSTIC RESULT PROCEDURE

INTRANET

JOB VACANCIES

CITIZENS CHARTER

TRAINING AND RESEARCH

 

Ceremonial Ground Breaking ng bagong Multi-Purpose Building ng QMMC

19 Abril 2022
K.A. Evangelista

 

Pormal na ang pagsisimula ng konstruksyon ng Multi-Purpose Building ng Pang-Alaalang Sentrong Medikal Quirino matapos ang isinagawang Ceremonial Ground Breaking at Site Development nitong Martes, Marso 12 2022.

Sa pangunguna ng butihing Anak-Kalusugan Representative Michael Defensor kasama ang ilang miyembro ng DPWH at pamunuan ng Pang-Alaalang Sentrong Medikal Quirino na pinamumunuan ng Puno ng Sentrong Medikal Dr. Evelyn E. Reside, nilagdaan nila “Proposed Detailed Engineering” ng nasabing konstruksyon na siya namang inilagay at ginamit sa Time Capsule laying.

Ayon kay Arch. Donald Rivera, Puno ng Project Management Team, ang nasabing Multi-Purpose Building ay magsisilbing katuparan sa ilang mga pangangailangan ng Ospital. Nabatid rin niya na ang proyekto ay angkop sa napakaraming pag-gagamitan nito partikular bilang pansamantalang silid-taguan ng mga dokumentong pang-Ospital at paglayon ay magsisilbing karagdagang pasilidad na makapagbibigay ng karagdagang serbisyo para sa publiko.

 

Kabilang rin sa nasabing Ceremonial Ground Breaking ang ilang Punong kawani ng Ospital mula sa Tanggapan ng Puno ng Sentrong Medikal na si Dr. Lino Santiago Pabillo, Serbisyo ng Narsing na si Dr. Luz Padua, Serbisyo sa Operasyong Pang-Ospital at Pampasyenteng  Suporta na si Bb. Cecilia Villamin, Akawnting na si Bb. Melanie Lomotan, OIC ng badyet na si Bb. Milicent Joaquin, Engr. Raul Ramirez ng Inhenherhiya at Pamamahalang Pasilidad at Atty. Temprosa at Atty. Baltazar mula sa Tanggapan Pang-Legal.