MENU

ONLINE DIAGNOSTIC RESULT PROCEDURE

INTRANET

JOB VACANCIES

CITIZENS CHARTER

TRAINING AND RESEARCH

LENTEN RECOLLECTION, IDINAOS PARA SA MGA QAWANING QMMC

M.Villagomez

29 Marso 2022

Ang Pang-Alaalang Sentrong Medikal Quirino (QMMC), sa pangunguna ng Tanggapan sa Edukasyong Propesyonal, Pagsasanay at Pananaliksik (PETRO), at ng Komite ng Bio-Ethics, ay nagsagawa ng kalahating araw na Recollection para sa mga kawani nito, bilang paghahanda sa nalalapit na mga Mahal na Araw. Ang nasabing Recollection ay ginanap nitong ika-29 ng Marso 2022 mula 9:00 hanggang 11:00 ng umaga via Zoom, na may temang: “REDISCOVERING OUR FAITH”.

Ang Recollection ay nahahati sa dalawang panayam, una, ay ang panayam na may pamagat na, HONESTY IN MEDICINE AS A PRACTICE OF FAITH, na pinangunahan ni Dr. Vermen M. Verallo-Rowell, Chairman ng Skin and Cancer Foundation, Inc. bilang tagapagsalita. Ang ikalawang panayam ay may pamagat na, HUMILITY IS ESSENTIAL FOR AN AUTHENTIC SPIRITUALITY sa pangunguna ni Fr. Antonio Roberto Sian, SJ, mula sa St. John Vianney Seminary.

Ang mga panayam ay angkop sa kasalukuyang sitwasyon ng mga kawaning pangkalusugan at bilang paghahanda na rin sa pagpasok ng mga Mahal na Araw. Sa mga panayam ay inilahad ang kahalagahan ng katapatan, kababaang-loob at ispiritwalidad sa patuloy na pagtahak sa buhay paglilingkod lalo na sa mga maysakit at nahihirapan.

Ang kalahating araw na pagninilay ay dinaluhan ng pamunuan ng QMMC at mga kawani nito. Matapos ang Virtuwal na Recollection ay nagkaroon ng Kumpisalan at Banal na Misa na ginanap sa kapilya ng QMMC.