MENU

ONLINE DIAGNOSTIC RESULT PROCEDURE

INTRANET

JOB VACANCIES

CITIZENS CHARTER

TRAINING AND RESEARCH

 

RABIES AWARENESS MONTH 2022

Activity: Mass Vaccination and Spay & Neuter of Pets

Date: March 16, 2022

 

Proyekto ng Department of Family & Community Medicine at Public Health Unit sa pakikipagtulungan ng Quezon City Veterinary Department at Barangay Escopa III

Ayon sa Executive Order No.84 series ng 1999, ang Rabies Awareness Month ay ipagdiriwang tuwing buwan ng Marso. 

Ang adbokasiya ukol sa pagpapalawig ng kamalayan at kaalaman ukol sa rabies ay ginagawa buong taon. At ngayon, sa ikalawang taon ng adbokasiya ng QMMC – Department of Family & Community Medicine at Public Health Unit kasama ng Quezon City Veterinary Department ay muling nagsagawa ng pagbabakuna laban sa rabies at pagkakapon ng mga alagang hayop sa Barangay Escopa III nitong Miyerkules, 16 Marso 2022.

Nais ipabatid ng kampanya na ito ang kahalagahan ng responsableng pag-aalaga ng mga hayop. Bilang isang responsableng may-alaga ng hayop, tayo ay nangangako na ibibigay ang mga mahalagang pangangailangan ng ating alaga, pagprotekta sa kanila mula sa anumang pinsala at sakit, at pagkontrol sa di maiwasang pagbubuntis ng mga hayop na makakatulong upang hindi na dumami ang aso at pusa sa kalsada, at makatulong din na maiwasan ang mga sakit tulad ng kanser at mga impeksyon sa hayop.

Ayon na rin sa tema ngayong taon na “Rabies-free na pusa’t aso, kaligtasan ng Pamilyang Pilipino”, ang Quezon City Veterinary Department ay matagumpay na nakapagbakuna ng kabuuang 159 alagang hayop at may 42 naman na nakapon. Ipinakita ng aktibidad na ito ang halaga ng sama-samang pagsisikap at responsableng pagmamay-ari ng alagang hayop bilang mga pangunahing salik sa pag-iwas at pagpuksa ng rabies tungo sa isang ligtas na komunidad.