MENU

ONLINE DIAGNOSTIC RESULT PROCEDURE

INTRANET

JOB VACANCIES

CITIZENS CHARTER

TRAINING AND RESEARCH

QMMC Nakiisa sa Ika-4 na National COVID-19 Vaccination Days

-R. Magday

Nagsagawa ng ika-4 na National COVID-19 Vaccination Activity ang Kagawaran ng Kalusugan noong Marso 10-12, 2022. Layunin ng programang ito na  mapabilis ang paghahatid ng bakuna sa mamayang Pilipino laban sa COVID-19.

 

Bilang  suporta  sa  kampanya ng  Kagawaran,  mabilis na tumugon ang pamunuan ng Pang-Alaalang Sentrong  Medikal Quirino (QMMC) sa pamumuno ni Dr. Evelyn Victoria E. Reside, Puno ng Sentrong Medikal II, agad na nagpadala ng mga kawani  na sina  Dra. Janah Mae B. Pulmomes (Medical Officer III), Ginoong Shalom Deo Ramos RN, MAN at Binibining Mary Ann Castro RN, MAN. Ang pangkat na ito ang naatasan maging dagdag tulong sa Cebu City Hall Vaccination Site upang mabakunahan ang mga mamamayan ng Cebu City.

Ayon sa pahayag ni Dr. Pulmomes, layunin ng pamahalan ng Lungsod Cebu na mabakunahan ang 90% ng kanilang mamamayan na nahahati sa 80 baranggay. Umabot sa 364 katao ang nabakunahan, sa kabila ng naranasang lakas ng ulan. Maituturing na tagumpay ang kampaya ng Kagawaran ng Kalusugan laban sa Covid19 sa kabila ng mga hamon sa pabagong-bagong panahon.

Nagpapasalamat ang buong pangkat ng delegasyon mula sa Pang-Alaalang Sentrong Medikal Quirino (QMMC) sa mainit na pagtanggap at suporta na ibinigay ng pamahalaang Lungsod ng Cebu at lubos silang nasisiyahan na nabigyan sila ng pangkakataong makilahok at makatulong sa pambansang bakunahan at naibahagi ang kanilang talentong medikal sa pagtataguyod ng kalusugan.